Christian Bautista (2) copy copy

KASAMA si Christian Bautista sa cast ng My Love From The Star na magsisimula na ang airing sa Monday, May 29, pagkatapos ng Mulawin vs Ravena. Bago magsimula ang taping, pinanood ni Christian ang original at Korean version ng series at nagandahan siya.

“We were advised by Direk Joyce Bernal to watch the series and I did. Gusto ko siya at ang ganda ng story. Lahat ng karakter may impact at tinutukan ko si Winston dahil ang karakter niya ang na’bigay sa akin. At least, may background na ako kung sino si Winston. Isa s’yang martir, bulag at tanga,” paglalarawan ni Christian sa karakter na kanyang ginagampanan.

“Martir siya dahil patuloy na nagmamahal kay Steffi (Jennylyn Mercado) kahit alam niyang kaibigan lang ang turing nito sa kanya at si Matteo (Gil Cuerva) ang gusto nito. Bulag at tanga dahil hindi naramdaman ni Winston na mahal siya ni Lucy (Jackie Rice). I love my character and I hope nagampanan ko ng mahusay,” sabi pa ng singer/actor.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa original version ng My Love From The Star na napanood ni Christian, hindi puwedeng i-extend ang series dahil buo na ang istorya sa kung ilang episodes nito. Masisira raw ang flow ng istorya at magiging pilit kung ii-extend ang istorya nito. Saka, may kontrata yata ang GMA-7 sa Korean network na bawal itong i-extend.

Anyway, pabalik-balik pa rin si Christian sa Indonesia na sikat na sikat siya at maraming fans. Katatapos lang niya sa isang by invitation show sa Jakarta. Ang ganda ng pagpapakilala sa kanya roon na, “International Singer from the Philippines.” (NITZ MIRALLES)