Binabalak ng gobyerno na ipatupad ang karapatan nito “to censure” o magsita upang maprotektahan ang kaligtasan ng publiko at ang national security habang nasa ilalim ng martial law ang Mindanao.

“The AFP (Armed Forces of the Philippines) has not recommended the suspension of the freedom of expression but will exercise the right to censure,” pahayag ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla sa isang press conference sa Davao City.

Ang isa sa mga dahilan na binanggit ng militar ay “to ensure the safety of lives, to ensure operational security and the safety of our men in uniform who are fighting; and for other national security considerations.”

Ang angkop na mga alituntunin ay lilikhain at ilalabas sa lalong madaling panahon upang maunawaan nang husto ng publiko, dagdag ni Padilla.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“It will cover social media,” sabi ni Padilla, at tinukoy ang kinakailangang pagpigil sa pagkalat ng “tremendous disinformation” na hindi lang nakakasira sa operasyon ng militar kundi nakaaapekto maging sa mga inosenteng sibilyan.

“You yourselves have seen that tremendous disinformation clouds or creates a thick fog of war that does not allow a better operational picture or provide a better operational picture of the battlefield. And this is one that creates a lot of collateral damage which we want to avoid,” aniya.

Sa ngayon, sinabi ni Padilla na ang militar ay magiging “very strict” at “very harsh” sa pakikihamok sa mga sangkot sa rebelyon sa timog.

Sinabi niya na inilunsad na ang surgical airstrikes upang maitaboy ang mga terorista mula sa Marawi City. Pero tumanggi siyang ilabas ang mga detalye ng clearing operations ng militar dahil may mga buhay na manganganib kapag ginawa niya ito.

Tiniyak din ni Padilla na walang dapat ikatakot sa deklarasyon ng martial law ang mga mamamayan na masunurin sa batas dahil ito ay nakalaan lamang para sa paglaban sa rebelyon sa Mindanao.

Nanawagan din siya ng kooperasyon ng publiko sa pinaigting na mga hakbanging pangseguridad at iulat ang anumang pagmamalabis ng gobyerno sa panahon ng martial law.

Samantala, itinalaga si Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang martial law administrator at si AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año naman ang main implementor. (Genalyn D. Kabiling)