TRIPOLI (Reuters) – Aabot sa 80 migrante ang nasagip sa baybayin ng Libya matapos manatili sa lumubog nilang bangka sa loob ng dalawang araw, narekober din ang pitong bangkay, kinumpirma ng opisyal.

Unang nasagip ang 77 migrante, kabilang ang isang babae at isang bata, nitong Huwebes sa coastal city ng Zawiya sa kanlurang bahagi ng Libya, ayon sa Libyan coastguard at International Organization for Migration (IOM) officials.

Lumubog ang bangkas dahil ito ays overload, ayon kay Tripoli coast guard spokesman Ayoub Qassem.

“Some of them are suffering from burns as a result of remaining in the sea and under the sun for a long time,” pahayag ni Qassem. “They were given a medical treatment after they were taken on board a coast guard boat.”

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na