KUMPLETO na ang line-up ng Philippine 3×3 team na kakatawan sa bansa sa darating na 2017 FIBA 3×3 World Cup sa Hunyo 17 - 21 sa Nantes, France.

Nabuo ang koponan na kinabibilangan nina Kiefer Ravena, Jeron Teng, at Kobe Paras sa pagdating ni NLEX forward JR Quiñahan.

Dapat sana ay si dating Far Eastern University slotman Raymar Jose ang magiging fourth man ng koponan, ngunit hindi ito puwede dahil sa nauna nitong commitment sa Cignal HD Hawkeyes sa PBA D League.

Pormal namang binigyan ng go-signal ng pamunuan ng NLEX at ng PBA ang big man ng Road Warriors noong nakaraang Martes.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hindi naman bagito sa kompetisyon ang 33-anyos na si Quińahan dahil itinuturing itong isa sa mga matitikas na forward sa pro league.

Bahagi siya ng University of Visayas Green Lancer team na naging unang Philippine-based na nag-qualify sa Adidas Asian Streetball Championship, ang nagpasimula ng 3x3 tournament noong 2002.

Ang Philippines 3x3 squad na itinataguyod ng,Chooks-to-Go, ay napahanay kasama ng host France, Slovenia, Romania, at El Salvador sa Group B ng World Cup. (Marivic Awitan)