LONDON (AFP) — Ang inakalang costume jewelry na nabili ng barya sa isang junk sale ay isa palang tunay na diamond at nagkakahalaga ng halos kalahating milyong dolyar.

Sinabi ng Sotheby’s auction house nitong Lunes na ang diamond ring nabili sa isang junk sale sa London ay inaasahang maisusubasta ng hanggang £350,000 ($455,000) sa Hunyo 7.

Nabili ng hindi pinangalanang may-ari ang 26-carat, white diamond ring sa halagang £10 noong 1980s at araw-araw itong isinusuot sa kanyang pamamalengke at pagtratrabaho sa bahay sa pag-aakalang isa lamang itong palamuti, ayon sa Sotheby’s.

Dinala ng may-ari ang diamond sa isang jeweler nang may pumansin dito at sinabing posibleng tunay ang bato, at nagulat siya sa natuklasan.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

“Much to the owner’s surprise, the ring turned out to be a genuine cushion-shaped diamond weighing 26.27 carats with an attractive colour grade of I and impressive clarity grade of VVS2,” sabi ng auctioneers.