Isusumite na ngayon ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang P184 across-the-board wage petition nito sa regional wage board sa Metro Manila.

“We will file the petition...at the NCR Wage Board located at 3rd Floor DY International Building, San Marcelino corner Malvar Streets, Malate, Manila,” sinabi kahapon ni ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay.

Aniya, ang nasabing halaga sa bago nilang petisyon ay base sa kanilang computation kung magkano ang kinakailangan ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) para sa mga pangunahing pangangailangan.

“The objective is to restore purchasing power of daily minimum wage above poverty level,” ani Tanjusay.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“The P184 is arrived at amid 3.4 percent inflation rate and the falling purchasing power of daily minimum wage from P491 to P361,” dagdag niya.

Sa isang text message, inamin ni Tanjusay na hindi nila naisumite ang petisyon noong Abril dahil inaayos pa nila ang mga datos na kakailanganin na susuporta rito. (Samuel P. Medenilla)