Tatlo umanong tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang dalaga, ang dinampot ng awtoridad sa buy-bust operation sa Pasay City, nitong Lunes ng gabi.

Naghihimas ngayon ng rehas ang mga suspek na sina Ricardo Mallari y Villarga, 55, ng No. 2517 D. Reyes Street, Barangay 110; Mark San Pascual y Aliman, 32, ng No. 521 Tengco St., at Rose Lanie Mendigo, 31, ng No. 417 Tengco St., Pasay City.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO) chief Supt. Jenny Tecson, dakong 11:30 ng gabi isinagawa ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Pasay City Police, ang operasyon laban sa tatlong suspek sa D. Reyes St., Bgy. 110, Zone 11.

Dali-daling pinosasan ng DEU personnel ang mga suspek habang inaabot ng mga ito ang droga sa poseur buyer.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Nakuha mula sa mga suspek ang anim na pakete ng hinihinalang shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P20,000, at ang P500 buy-bust money.

Inihahanda na ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II, RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa tatlong suspek. (Bella Gamotea)