BATANGAS - Dalawang bangkay ng kapwa hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Batangas nitong Lunes.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 7:00 ng umaga nang natagpuan sa tambakan ng basura sa ilalim ng tulay sa Barangay Santol, Tanauan City, ang biktimang nasa edad 40-50, may taas na 5’6”, nakasuot ng asul na T-shirt, pulang shorts at may tattoo na “Dennis” sa kaliwang braso at “VTCB” sa likod.

May sugat sa leeg at may mga tama ng bala ng baril sa katawan ang biktima.

Samantala, pulang T-shirt at dilaw na jersey shorts naman ang suot ng isa pang bangkay na natagpuan sa Bgy. Inosluban, Lipa City, bandang 6:10 ng umaga, na may mga saksak sa dibdib at mga pasa sa katawan. (Lyka Manalo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?