Patay ang isang konsehal at kanyang asawa nang pagbabarilin ng tatlong lalaki, habang papunta sa graduation rites ng kanilang anak sa Teresa, Rizal kahapon.

Dead on arrival sa St. Therese Hospital sina Teresa Councilor John San Jose, 49, at kanyang misis na si Ma. Teresa Torres, 44, kapwa ng Roxas Road, Barangay May Iba, Teresa.

Sa ulat ni PO3 Florante Rupac, ng Teresa Municipal Police Station, bandang 6:47 ng umaga nangyari ang pananambang sa Sitio Uno, Bgy. May Iba, na 100 metro lamang ang layo mula sa kanilang tahanan.

Kalalabas lamang umano ng mag-asawa sa kanilang bahay at nakatakdang dumalo sa graduation rites ng kanilang anak, si Jaydee Ansherina San Jose, 20, nang pagbabarilin ng mga suspek ang kanilang Mitsubishi Montero (NJ0671).

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Kapwa napuruhan ang mag-asawa sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan, habang hindi naman nasaktan si Jaydee.

Ayon kay Police Supt. Resty Damaso, Rizal Provincial Police Office deputy chief for operations, nakatanggap sila ng text message hinggil sa insidente at tatlong lalaki na magkakaangkas sa motorsiklo ang sinasabing nasa likod ng pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)