diaz copy

DAVAO CITY – Tampok na panauhin para magbigay ng inspirasyon sa mga kalahok si Rio Olympics 2016 women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz sa paglarga ng Philippine Sports Commission (PSC)-backed Summer Children’s Games 2017 sa Mayo 25 sa Rizal Park sa Davao City.

Mismong si Diaz ang nagkumpirma sa pakikiisa sa grassroots program sa pangangasiwa ng PSC sa kanyang pagbisita kay PSC chairman William “Butch” Ramirez kamakailan kung saan ibinigay din niya ang kanyang Olympic medal para maisama sa PSC Museum.

“Saglit lang po ako hehehe,” pahayag ni Diaz na isinasabay sa kanyang pagsasanay ang pag-aaral sa St. Benilde College.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ito ang ikatlong pagkakataon na tatapak ang mga paa ni Diaz sa Davao City. Matapos magtagumpay sa Rio Games noong Agosto, personal siyang inimbitahan ni Pangulong Duterte para bigyan ng ‘Hero’s welcome’ at tanggapin ang cash incentives.

Nagsagawa naman siya ng weightlifting seminar dito noong 2016 sa Crossfit Madayaw.

Pangungunahan naman nina PSC Chairman William “Butch” Ramirez at Commissioner Charles Raymond A. Maxey ang pamahalaan sa pangangasiwa sa tatlong araw na torneo na magtatampok sa mga event na 3-on-3 basketball (Rizal Park and Davao City Police Office (DCPO) covered court), volleyball (Almendras Gym Davao City Recreation Center) at Larong Pinoy (DCPO grounds_.

Ang Children’s Games para sa kabataan na may edad 12-pababa at bahagi ng PSC’s Sports for Peace program na isinusulong ni Ramirez.

Magsasagawa naman ng Barangay Sports Education Seminar bukas sa Royal Mandaya Hotel.