nadine-copy

NAG-AAWAY-AWAY ang fans at ang haters nina James Reid at Nadine Lustre dahil sa picture na ipinost ng binata sa Instagram na nasa bath tub sila ng dalaga. Bukod doon, nakayakap si Nadine kay James at nakakaintriga ang caption na, “Ooh I like what you’ve done to me. #IL2LU.”

Pero bago pa man mag-isip ang readers tulad ng iniisip ng haters ng JaDine na baka raw kung ano na ang ginawa ni Nadine kay James, ‘yun pala’y lyrics ‘yun ng duet ng dalawa. Ipinost din ni James na nag-photo shoot sila ng girlfriend habang naghihintay na tawagin para sa show nila sa Camarines Sur.

Sobrang hot ang picture ng dalawa and as a matter of fact, may 256,065 likes na ito at umabot na sa 6,842 ang comments. Iyon nga lang, hindi lahat positive ang comments at ang iba ay nasosobrahan sa sweetness at PDA ng dalawa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kayo, ano ang dating sa inyo ng hot tub picture ng JaDine? Kinilig din ba kayo gaya sa kanilang fans o nahalayan gaya ng ibang nakakita sa picture? (NITZ MIRALLES)