Nanatiling walang talo si Terrence Crawford matapos nitong gapiin si dating Olympian Felix Diaz, sa pamamagitan ng 10th round technical knockout, sa kanilang title fight sa Madison Square Garden.

Terence Crawford  (AP Photo/Frank Franklin II)
Terence Crawford (AP Photo/Frank Franklin II)
Nagwagi si Crawford nang sabihan ni Joel Diaz ang trainer ni Felix Diaz na si referee Steve Willis, na ihinto na ang laban matapos na maging one-sided ang laban sa 10th round.

Dahil dito, ang 29-anyos na si Crawford, tubong Omaha, Nebraska, ay naitala ang kanyang ika-31 sunod na panalo sa kanyang career at ang kanyang ika-22 panalo sa pamamagitan ng knockout.

Napanatili rin ni Crawford ang hawak niyang dalawang titulo, ang WBC (World Boxing Council) at WBO (World Boxing Organization) super lightweight titles.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bago inihinto ang laban, napakalaki na ng lamang ni Crawford sa tatlong hurado na kinabibilangan nina Glenn Feldman (100-90), Julie Lederman (99-91) at Steve Weisfeld (100-90).

Hindi pa man sumasampa sa ring ay paborito na si Crawford, 25-1, sa lahat halos ng Internet sports books.

Ipinamalas ni Crawford kung bakit sya ay itinuturing na isa sa mga best boxers, pound-for-pound, sa buong mundo.

Ang pagkatalo ang ikalawa para kay Diaz na nagwagi ng gold medal para sa Dominican Republic noong 2008 Summer Olympics bilang isang professional boxer, kasunod ng kanyang unang pagkatalo sa isang majority decision kay WBA welterweight champion Lamont Peterson sa isang 12-round, non-title fight noong Oktubre 2015 sa Fairfax, Virginia.

“I knew he was frustrated,” wika ni Crawford matapos ang laban.“He was eating a lot of jabs, his eye was swelling and he was getting desperate in there.

“He was trying to set me up by going to the ropes, so he can lung in. But I wasn’t going for that.”

Sinuri ng isang doktor ang namamagang kanang mata ni Diaz, ngunit pinayagan pa rin itong lumaban.

Nagpatuloy sa kanyang pag-atake si Crawdord hanggang sa 10th round kung saan pinaulanan niya ng kumbinasyon si Diaz na patuloy din niyang tinatapik sa ibabaw ng ulo na naging dahilan upang mawarningan siya ng referee.

. “Enough’s enough,” pahayag ni Joel Diaz na nakitang hindi na dapat ituloy pa ang laban. “I didn’t want him to take any more punishment. I had given him one more round. I didn’t like what I saw, so I stopped the fight.”

Nauna nang napaurong ni Crawford si Diaz sa bungad ng 9th round, sa pamamagitan ng mabilis na kaliwang uppercut. Sinikap na makipagsabayan ni Diaz ngunit hindi niya nakayanan ang mabilis na galaw nito sampu ng pagiging intelihente sa paglaban.

Halos pulbusin ni Crawford si Diaz ng magkakasunod na uppercut sa fifth round, na ikinayanig ng huli. “We knew [the uppercut] was gonna work,” ayon kay Crawford. “Watching the Lamont Peterson fight, he leans in a lot and he stays there. So we knew the uppercut was gonna be the key in the fight.”

Sa kanyang post match interview, binanggit ni Crawford ang Filipino world boxing champion na si Manny Pacquiao, kasama sina Julius Indongo at Keith Thurman, sa mga boksingerong gusto niyang makalaban.

Para kay Crawford, kahit sino ay handa niyang harapin sa loob ng boxing ring. Ang laban kay Pacquiao ay maglalagay sa kanya sa atensiyon ng buong mundo, manalo man o matalo, habang ang laban kay Indongo ay magbibigay sa kanya ng unified title.