Inihayag ng militar na 11 miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa Philippine Army sa Sultan Kudarat kahapon.

Sinabi ni Lt. Col. Harold Cabunoc, commander ng 33rd Infantry Battalion ng Army, na may kabuuang walong matataas na kalibre ng baril ang isinuko rin ng mga rebelde sa militar sa Barangay Midtungok sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat, bandang 10:00 ng umaga kahapon.

Ayon kay 1st Lt. John Austin Jamora, commander ng Alpha Company ng 33rd Infantry Battalion, kabilang sa matataas na kalibre ng baril na isinuko ng mga rebelde ang limang M16 rifle, dalawang M1 Garand rifle, at isang AK47 rifle.

Sinabi ni Jamora na lahat ng sumuko ay mula sa tribung Manobo na nakatira sa kabundukan sa Bgy. Midtungok.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinilala ang mga sumukong rebelde na sina Ayob Mopac, Benjamin Kalay, Samuel Badak, Mel Pandi, Kang Mopac, Tiin Mooac, Usad Mopac, Long Oding, Sebio Masandag, Gabriel Mopac, at Nonoy Lapi.

“Dismayado ang mga lumad sa hindi natupad na mga pangako ng mga NPA leader. Nagsisimatay ang mga miyembro sa mga engkuwentro pero ang ‘Supamil’ (suporta sa pamilya) para sa kanila ay hindi naman naibibigay,” sabi ni Jamora.

(FRANCIS T. WAKEFIELD)