Higit pang lumilinaw ang pagkakaloob ng libreng edukasyon sa kolehiyo sa bansa makaraang aprubahan kamakailan ng Kamara ang Universal Access to Tertiary Education Act, na magkakaloob ng libreng matrikula sa lahat ng state universities and colleges (SUCs), technical vocational institutions (TVIs), pribadong kolehiyo at mga paaralang technical-vocational.

Isinama sa orihinal na panukala ni Albay Rep. Joey Salceda, ang House Bill 2771, ang mga bill nina Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio at Kabataan Party-list Rep. Sarah Jane Elago, at inaasahang ganap nang magiging batas dahil aprubado na rin ng Senado ang katumbas nitong panukala.

Una nang sinabi ni Salceda na ang unang libreng tuition fee na inaprubahan ng Kongreso ay “patikim lamang” at ang kanyang Universal Access to Tertiary Education Act ang tunay na magbibigay ng katotohanan sa pangarap na maging libre na ang pag-aaral sa kolehiyo sa bansa.

Tampok sa pinagtibay na panukala ang pagpopondo sa mga SUC na nagkakahalaga ng P38 bilyon, at karagdagang P21.6 bilyon para sa iba pang gastusin ng mga estudyante. (PNA)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente