Patay ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa harap ng maraming tao sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot si Renato Cruz, 38, ng Barangay 143, Bagong Barrio ng nasabing lungsod, dahil sa mga tama ng bala ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa mga kasama ng biktima, bandang 4:00 ng hapon, nakapila si Cruz sa terminal sa Bgy. 143.

Lumapit ang isang lalaki na nakatalukbong ng puting tuwalya at walang habas na pinagbabaril si Cruz.

Eleksyon

Siwalat ni Imee: 'Ang gobyerno ngayon ay hindi Marcos. Ang gobyerno ngayon Romualdez at Araneta'

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Orly L. Barcala)