Nababahala si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa kahihinatnan ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang tumanggap ng ayuda mula sa European Union (EU).

“The EU has been a reliable trading partner and their assistance, by way of grant or aid, extended to our country through the years has been benefiting our people particularly those in the impoverished communities in Mindanao,” ani Drilon.

Tinawag namang “immature” ni Senador Risa Hontiveros ang desisyon ni Pangulo na ibinatay sa mga batikos sa kanya.

Para kay Senador Panfilo Lacson, ipinakita ng pamahalaan ang “independent foreign policy” pero hindi naman nito masabi kung maganda nga ito sa bansa. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga