190517_KOREANNATIONALS_MANILA_09_ANTE copy

Bumagsak sa mga galamay ng mga tauhan ng Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang Koreano na umano’y sangkot sa online gambling sa Valle Verde, Pasig City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Cheonji Kim, Ilhwan Yang, Wonsup Yang, Jeong Hyeok Kim, at Moon Kyu Kang.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, inaresto ang mga suspek sa bisa ng search warrant para sa paglabag sa kasong illegal gambling at Anti-Cyber Crime Prevention Act of 2012.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Sinabi ni Gierran na ang mga suspek ang namamahala sa webpage para sa online sports betting, sports toto at online casino.

Ginagamit din, aniya, ng mga suspek ang nasabing modus para sa money laundering. (Beth Camia)