VILLAVERDE, Nueva Vizcaya - Isinugod sa pagamutan ang isang guro habang pinaghahanap naman ng awtoridad ang pulis na pumalo ng baril dito, sa Corpuz Resort sa Purok Mantoy, Barangay Bintawan Norte sa Villaverde, Nueva Vizcaya.

Dakong 6:00 ng gabi nitong Huwebes nang magtagpo sina Michael Catap, 30, guro, ng Bgy. Masoc, Bayombong; at PO3 Ryan Yamballa, nakatalaga sa Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, at residente rin sa nabanggit na lugar.

Nagdiriwang ng birthday si Catap kasama ang ilang kaibigan nang dumating ang pulis at walang sabi-sabing pinalo ng baril ang guro bago tumakas. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?