LONDON (Reuters) – Binabalak ng mga scientist sa Britain na pakinabangan ang Zika virus sa pagsisikap na ipapatay dito ang brain tumour cells. Ang eskperimentong ito ay maaaring magturo ng bagong paraan para malabanan ang agresibong uri ng cancer.

Magtutuon ang pananaliksik sa glioblastoma, ang pinakakaraniwang tipo ng brain cancer, na mayroong five-year survival rate na halos 5 porsiyento lamang.

Ang Zika ay nagdudulot ng matinding kapansanan sa mga sanggol sa pamamagaitan ng pag-atake sa developing stem cells sa utak – ngunit sa matatanda na lubusan nang nabuo ang utak ay kadalasang nagdudulot ito ng mga sintomas ng flu.

Ang cancer cells sa glioblastoma ay katulad sa developing brain, nagpapahiwatig na maaaring gamitin ang virus para targetin ang mga ito nang hindi nadadamay ang brain tissue ng normal adult.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

“We’re taking a different approach, and want to use these new insights to see if the virus can be unleashed against one of the hardest-to-treat cancers,” pahayag ni Harry Bulstrode ng Cambridge University, pinuno ng research team.