MABIGAT na laban din ang susuungin ng Perlas Pilipinas para makuha ang atensiyon ng world basketball community.

Sa isinagawang draw para sa FIBA Women’s Asia Cup kahapon sa Krishna Hall sa Bengaleru, India, napabilang ang Perlas sa Group B ng Division A kasama ang powerhouse Australia, Japan, at People’s Republic of Korea.

Magkakasama naman sa Group A ng 8-team tournament na gaganapin sa Hulyo 23 - 29 sa Bengaluru, India ang New Zealand, Chinese Taipei, North Korea, at China.

Ang Australia ang isa sa itinuturing na pinakamalakas na koponan sa buong mundo habang ang Japan ay nagkampeon noong 2015 FIBA Asia Women’s Championship kung saan nagwagi naman ng bronze medal ang Korea.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Nagawang makapasok ng Perlas Pilipinas sa Division A ng magwagi ito sa Level II ng kompetisyon noong 2015 sa Wuhan, China.

Sa draw na pinangunahan ni Basketball Federation of India (BFI) President K. Govindaraj at Secretaru general Chander Mukhi Sharma, magkakasama naman sa Division B Group A ang Sri Lanka, India, American Samoa, at Uzbekistan, habang nasa Group B ang Lebanon, Singapore, Kazakhstan at Fiji. (Marivic Awitan)