NEW YORK (AP) — Top seed na sa Eastern Conference, finalist pa. At nadagdagan pa ang suwerte ng Boston nang gapiin ang Los Angeles para sa No.1 draft pick ngayong taon.

Nagwagi ang Celtics sa lottery para sa Rookie Drafting nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Ginanap ang lottery halos 24 oras matapos gapiin ng Boston ang Washington sa Game 7 para makausad sa Eastern Conference Finals kontra sa Cleveland Cavaliers.

“Game last night, Game 7, a tough Washington team. Game tomorrow against a tough Cleveland team. And now we squeeze in the lottery and win the pick. I don’t know what’s happening here. It’s pretty amazing,” sambit ni Wyc Grousbeck, may-ari ng Celtics.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Napunta sa Lakers, mahigpit na karibal ng Celtics sa nakalipas na dekada, ang No.2 spot sa drafting.

“When (Deputy Commissioner Mark Tatum) called out No. 4 and he said it wasn’t us, I said ‘Um, that’s it, that’s all I care about,’” pahayag ni Magic Johnson, ang Hall of Famer at tumatayong Lakers president. “I didn’t know where we were going to land from there, but I was like ‘OK, I can breathe now.’”