SA wakas makakapaglaro na rin sa mga koponan sa Premier Volleyball League (PVL) ang mga foreign import na kinuha para maging reinforced sa liga.

Matapos ang ilang linggong pagninilay-nilay, tuluyang sumuko sa pressure ng volleyball stakeholder ang Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc (LPVI) at naisaayos ang International Transfer Certificates (ITC) ng mga player.

Ayon sa LVPI, ang pagri-release ay kasunod ng desisyon ng International volleyball Federation (FIVB) na pagbigyan ang hiling na extension ng PVL na orihinal na itinakda nitong Mayo 15.

Ngunit, kumbinsido ang volleyball community, na ang naging daan ang tahasang pagtuligsa ng mga dating player at organizer sa ginagawang manipulasyon sa ITC.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa panayam kay LVPI acting president Peter Cayco ng Spin.Ph, nagawa umano nilang baguhin ang access at code para sa ITC sa FIVB.

Binira ni PVL President Ricky Palou ang kawalan ng access ng LVPI sa ITC dahil isang Randy Tandoc – empleyado ni PSL president Tatz Suzara – ang siyang mag-access sa code ng ITC

Nagpadala na umano ng mensahe si FIVB president Ary Graca kay Asian Volleyball Confederation president Dr. Saleh Bin Nasser na nagbibigay ng pahintulot sa PVL Reinforced Conference na tumagal ng hanggang Hunyo 15.

Ang mga imports na nabigyan na rn ng ITC ay sina Jennifer Keddy at Jeng Bualee ng Balipure, Laura Schaudt at Kuttika Kaewpin ng Cignal, Amphorn Hyapha at Kannika Thipachot ng Power Smashers, Patcharee Sangmuang ng Air Force , Rupia Inck at Naoko Hashimoto ng Perlas at sina Edina Selimovik at Michelle Strizak ng Pocari Sweat. (Kaugnay na istorya sa pahina 16). (Marivic Awitan)