Katrina Velarde copy copy

MAGANDA ang pasok ng taon para sa Suklay Diva na si Katrina Velarde.

Binuksan ni Katrina ang 2017 sa isa na namang mega-viral hit sa kanyang standout performance sa Wish 107.5 nang awitin niya ang Go The Distance ni Michael Bolton na theme song ng Hercules movie ng Disney.

Live ang naturang performance ni Katrina sa sikat na The Roadshow ni DJ Robin Nievera, na in-upload sa YouTube at umaabot na sa tatlong milyon ang views at mahigit 5,000 pang online comments at engagements.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“Sobra po akong thankful sa lahat ng nag-view at nagbigay ng magagandang comments,” sabi ni Katrina, na unang nakilala bilang vocal arranger at choreographer ng all-girl vocal group na Aka Jam mula sa unang season ng X-Factor Philippines. 

Lalo pa siyang nakilala nang tawagin siyang Suklay Diva nang mapanood ang ilan sa kanyang videos na umaawit gamit ang isang purple na suklay bilang mickropono -- at ito ay naging worldwide viral phenomenon.

“Nagpapasalamat din po ako sa Wish FM for giving me the platform to showcase my craft as a singer. Talagang nakaka-overwhelm po talaga.”

Bago pa sumali sa X-Factor Philippines, madalas sumali sa amateur singing contests sa iba’t ibang panig ng bansa si Katrina.

In-upload niya ang kanyang cover sa Dangerously In Love ni Beyonce dalawang taon bago siya sumali sa X- Factor Philippines. Ang naturang video ang naghatid sa kanya sa mainstream prominence lalo na noong i-share ito sa social media ng gitarista ni Beyonce na si Bibi McGil at i-tweet ng international R&B superstar na si Chris Brown sa milyun-milyon nitong followers. Agad naging viral ang video at naging nominado pa ito sa WorldStarHipHop.com bilang isa sa top viral videos ng 2013.

Nagkaroon na ng back-to-back jampacked show si Katrina kasama ang kapwa biriterang si Dessa sa Historia Bar sa Quezon City at naghahanda na sila sa repeat performance sa mas malaking venue. Naging featured artist din siya sa Pop Variety Night ng Music Hall na full house ang crowd.

Bahagi rin si Katrina sa mga tampok na mang-aawit sa season finale ng Gary V Presents concert franchise series ni Gary Valenciano. Pinahanga ng batang singer ang entertainment press sa thanksgiving party ng Gary V Presents sa pamamgitan ng kanyang powerful live rendition ng Broadway classic na And I Am Telling You. Sa opening weekend ng Gary V Presents nitong nakaraang Mayo 12 at 13, na-impress kay Katrina ang mga manonood sa kanyang show-stopping duet with si Gary ng Spain ni Al Jarreau.

Pumirma na si Katrina sa Viva Records at ang kanyang unang solo single, na sinulat at inareglo ni Vehnee Saturno, ay ang sikat na sikat na Lason Mong Halik. Idinirehe ni Roe Pajemma ang music video nito at unang ipinalabas sa YouTube channel ng Viva Records noong nakaraang Disyembre.

Naging bahagi si Katrina ng Superstar Duets sa GMA-7 at siya ang singing partner ng grand champion nito na si Nar Cabico. Si Katrina rin ang grand winner ng #Like – ang singing contest na nagtatampok sa ilan sa mahuhusay na mang-aawit ng bansa.

“I am so grateful for the blessings that have come my way. Talagang pinahahalagahan ko po ang bawat opportunity na dumadating sa akin at siyempre excited ako sa mga nilulutong projects para sa akin ng Manila Genesis at ng Viva.

Tuluy-tuloy lang po nating suportahan ang OPM at ang mga lokal nating mga mang-aawit,” sabi ni Katrina.

Isa rin si Katrina sa featured artists sa nalalapit na North American tour ni Gary Valenciano na magsisimula sa Mayo 27 sa M Resort, Las Vegas. Pupunta rin sila sa Pechanga Resort And Casino sa Hunyo 3 kasama si Kiana Valenciano; at sa Pasadena Civic Auditorium sa Hunyo 10 kasama sina Sam Concepcion at Kiana uli. Sa Hunyo 12 tatapusin ni Gary ang US tour sa isang solo performance bilang pagdiriwang ng Philippine Independence Day sa Salt Lake City, Utah.

Mapapanood pa rin si Katrina live sa huling dalawang performances ng season finale ng Gary V Presents sa The Theatre at Solaire sa Mayo 19 at 20. Ang Gary V Presents The Season Finale ay para sa benefit ng scholarship at diabetes programs ng Shining Light Foundation. Para sa mga tiket tumawag sa TicketWorld (891-9999) o bisitahin ang www.ticketworld.com.ph o tawagan ang +639189212812 at +639175413389. Para sa karagdagang impormasyon kay Katrina i-like ang Katrina Velarde Official sa Facebook at sundan ang @katrinavelarde24 sa Twitter at Instagram.

(NITZ MIRALLES)