Katy copy

MAKAKASAMA si Katy Perry sa reality singing competition na American Idol sa ABC, pahayag ng network nitong Martes, kaya madadagdagan ng isa pang malaking pangalan na marami ang tagahanga ang magbabalik ng show.

Si Katy, 32, ang unang malaking pangalan na sumali sa reboot ng show, na kinansela ng Fox Broadcasting noong nakaraang taon pagkaraan ng 15 seasons dahil sa pagbaba ng viewership ratings. Ang bagong American Idol ay ipapalabas sa 2018.

“I’m always listening to new music, and love discovering diamonds in the rough -- from mentoring young artists on my label, or highlighting new artists on my tours, I want to bring it back to the music,” sabi ni Katy sa pahayag ng ABC, na pagmamay-ari ng Walt Disney Co.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Hindi pa pinapangalanan ang ibang judges.

Ang Grammy-nominated na si Katy ay naging pop powerhouse simula nang maglabas ng breakthrough single na I Kissed a Girl noong 2008, at kilala sa kanyang upbeat songs gaya ng California Gurls at Firework, gimmicky outfits at vibrant, colorful performances na target ang mga batang audience.

Nakapagbenta na siya ng mahigit 100 milyong records sa buong mundo.

Ang American Idol, isang paligsahan na bukas sa publiko, ang naglunsad ng career ng mga mang-aawit na sina Kelly Clarkson, Jennifer Hudson, Adam Lambert, at iba pa sa tulong ng celebrity judges. (Reuters)