Sugatan ang isang binata makaraang saksakin ng isang lalaki, na umano’y may diperensiya sa pag-iisip, habang nag-aabang ng masasakyan sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Jefferson Cruz, 25, ng 236 Matimtiman Street, Tondo, dahil sa saksak sa likod.

Kinilala naman ang tumakas na suspek sa alyas na Arvie Vegas, nasa hustong gulang, at residente umano ng Barangay 14, sa Tondo.

Sinasabing si Vegas ay may diperensiya sa pag-iisip dahil sa pagkagumon sa ilegal na droga at katatapos lamang sumailalim sa drug rehabilitation.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Amante Daro, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 11, dakong 2:40 ng madaling araw, pauwi na at nag-aabang ng masasakyan ang biktima sa Claro M. Recto Avenue, kanto ng Asuncion St., nang biglang lapitan ng suspek at tinarakan sa likod.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang awtoridad. (Mary Ann Santiago)