NAITALA ng National University Bulldogs at San Beda Red Lions ang magkahiwalay na panalo nitong Sabado sa ongoing 23rd Fr. Martin Cup Summer Basketball tournament.

Nanguna sa Bulldogs, sina Matt Salem at Chino Mosqueda para gapiin ang Centro Escolar University Scorpions, 87-72, sa Group A ng senior division nitong weekend sa St. Placid gymnasium sa loob ng San Beda-Manila campus sa Mendiola.

Sumandal naman ang Red Lion sa inside play ni Ralph Penuelos para gapiin ng Manuel L. Quezon University Stallions, 78-74.

Tumipa sina Salem at Mosqueda ng 14 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunopd.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa iba pang laro, ginapi ng Letran Knights, sa pangunguna ni Matthew Bernabe ang Diliman College, 93-68, para sa ikatlong panalo sa apat na laro sa Group A.

Sa junior division, naungusan ng Chiang Kai Shek Blue Dragons ang University of Santo Tomas, 101-96, Hataw din si Flor.

Nakamit ng Blue Dragons ang unang panalo sa Group A, sa likod ng nangungunang San Sebastian College (3-1).

Nakopo naman ng San Beda-Rizal Red Cubs, sa pangunguna ni Carlo Obenza na tumipa ng 16 puntos, ang ikalawang sunod na panalo sa pamamagitan ng 80-72 panalo kontra Hope Christian School, 80-72.