mlqu copy

BAHAGYA lamang pinag-pawisan ang Manuel Luis Quezon University-Victoria Sports bago pataubin ang Philippine National Police, 75-58, sa 2017 MBL Open basketball tournament sa PNP Sports Center sa Camp Crame.

Namuno sina Gianne Rivera at Nikko Lao sa balanseng opensa ng Stallions, nagdomina sa laro tungo sa kanilang unang panalo sa apat na laban sa eight-team kumpetisyon na nagsisilbing bahagi ng 18th taong pagdiriwang ng MBL.

Umiskor si Rivera ng 17 puntos habang mag-ambag si Lao ng 15 puntos para sa Stallions nina playing manager Jomar Acuzar, consultant Jino Manansala at coach Rainier Carpio

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Nakatuwang nila sina Patrick Asturiano, Jayson Grimaldo, Kevin Sumay, Alvin Detubio at Allen de la Cruz para sa Stallions na sinusuportahan din ng New San Jose Builders.

Nagpasiklab si Julius Criste para sa Responders sa kanyang 15 puntos sa torneong itinataguyod din ng Smart Sports, Gerry’s Grill, Ironcon Builders, Dickies at Star Bread.

Nagdagdag sina Cyril Santiago at Crislyn Elopre ng tig 11 puntos para sa PNP, pinamamahalaan nina Police Community Relations Group (PCRG) head Gen. Gilberto Cruz, Col. Jerome Balbontin at coach Eric Samson.

Iskor:

MLQU-Victoria Sports (75) -- Rivera 17, Lao 15, Asturiano 8, Grimaldo 6, Sumay 6, Detubio 6, De la Cruz 6, Palogan 5, Perascosas 2, Pabila 2, Macalomcom 2, Acuzar 0, Decano 0.

PNP (58) -- Criste 15, Santiago 11, Elopre 11, Tolentino 7, Abaya 5, Acierto 4, Cabahug 3, Gonzales 2, Onguran 0, Dia 0.

Quartercores:

17-8, 37-20, 57-37, 75-58.