Kaagad na sinibak sa serbisyo ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang limang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga.

Mismong si Estrada ang naghayag ng pagkakasibak sa limang traffic enforcer, na bahagi ng 240 tauhan ng MTPB na sumailalim sa surprise drug test nitong Abril 24.

Ang mga sinibak ay kinilalang sina Rommel Santos, 40; Randy Luangco, 28; Marcelo Tinao, 39; John Lennon Dalisay, 27; at Enrico Dalisay, 39.

Napatunayang positibong gumagamit ng droga ang mga traffic enforcer batay sa drug test report na inilabas ng ACC Drug Testing Center sa Ermita, na accredited ng Department of Health (DoH).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We have no recourse but to dismiss them. They know the rules—no ifs, no buts. This is a very serious breach of Civil Service rules,” sabi ni Estrada. “Government work is a serious business. We have no room for drug addicts.”

Sinabi naman ni MTPB Director Dennis Alcoreza na pawang job order lang ang limang sinibak na traffic enforcer at walang matatanggap ang mga ito mula sa pamahalaang lungsod. (MARY ANN SANTIAGO)