BEIJING – Pinag-iisipan ng gobyerno ng Pilipinas na bumili ng kagamitang pangmilitar, tulad ng mabibilis na bangka at drone, mula sa pinakamalaking arms exporter ng China para palakasin ang paglaban sa terorismo at kakayahan sa seguridad.

Inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na balak ng gobyerno na bumuo ng letter of intent sa China upang pag-usapan ang posibleng pagbili ng mga kagamitang pangmilitar, at tiniyak na pipili ito ng pinakamagandang kalidad sa makatuwirang presyo.

Napag-usapan ang posibilidad ng pagbili ng mga kagamitang pangmilitar matapos makipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa China Poly Group Corp. at Poly Technologies Inc. sa sidelines ng international trade summit dito.

“It’s not yet a document. It’s a letter of intent to deal with them because they’re offering us a lot, a wide array of defense equipment, an offer of a loan from the Chinese government at the tune of about 500 million US dollars,” sabi ni Lorenzana sa panayam ng media sa Beijing nitong Linggo ng gabi.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Bukod sa “letter of intent,” sinabi ni Lorenza na magpapadala rin ang pamahalaan ng technical working group sa China “to look at the equipment and see what we need” ngayong taon. Ang proseso ng paghananap at pag-aaral sa mga iniaalok na kagamitan ay maaaring abutin ng ilang buwan, sabi pa niya.

“And after that, we’ll go from there,” anang Lorenzana.

Nilinaw rin niya na walang problema kahit na bumili ang bansa ng military assets mula sa China kahit mayroong iringan sa teritoryo. (Genalyn D. Kabiling)