SEOUL (AFP) – Iniulat ng North Korea kahapon na matagumpay ang huling pagpapakawala nila ng missile para subukin ang isang bagong uri ng rocket.

Ayon sa official KCNA news agency ng Pyongyang, ang pinakawalan noong Linggo ay isang ‘’newly-developed mid/long-range strategic ballistic rocket, Hwasong-12’’, at ang lider nitong si Kim Jong-Un ‘’personally oversaw the test-launch of the new type of rocket’’.

Sinabi ng KCNA na layunin ng test na suriin ang ‘’technical details and characteristics’’ ng bagong rocket na ‘’capable of carrying a powerful and big nuclear warhead’’. Nanawagan ang United States at Japan ng emergency meeting sa United Nations Security Council, at itinakda ito Martes ng hapon,
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina