BEIJING – Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng summit para sa isinusulong na bagong Silk Road ng China kahapon ngunit inaasahang makikilahok siya sa susunod na sesyon.

Sa sidelines ng “Belt and Road Forum for International Cooperation” nakatakdang magdaos ng bilateral talks sina Duterte at Chinese President Xi Jinping sa Great Hall of the People ngayong araw.

Bago tumulak patungong Beijing, sinabi ng Pangulo sa Filipino community sa Hong Kong na hindi niya isisingit ang isyu sa West Philippine Sea sa pag-uusap nila ni Xi.

Paliwanag ni Duterte, hindi tama na pag-usapan ang naturang isyu dahil naimbitahan siya doon bilang bisita at kabilang lamang sa pag-uusapan sa forum ang pagpapalago sa ekonomiya ng buong mundo.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Ako naman sabi ko, I come here and you must be apprised also conscious of the fact that we have a conflicting claim… you are claiming [South] China Sea as yours and we claim it as ours also and as a matter of fact, we went to a court, an international body… and we won the arbitration. Pero ang sabi ko, I will not bring it up at this point in time because it would not be proper since I am here as a guest. Wala namang usapan na pumunta ka rito at pag-usapan natin ang [South] China Sea. But sabi ko let us put it aside in the meantime,” wika ni Duterte.

$124B PARA SA SILK ROAD

Nangako si Chinese President Xi Jinping ng $124 bilyon para sa kanyang ambisyosong plano na bagong Silk Road, at sinabing bukas ito para sa lahat na nais sumali sa daan tungo sa kapayapaan at kasaganaan.

Binansagan ng China ang Belt and Road Initiative bilang paraan para palakasin ang kaunlaran simula nang pasinayaan ni Xi ang plano noong 2013, na naglalayong palawakin ang ugnayan ng Asia, Africa, Europe sa infrastructure investment.

“We should build an open platform of cooperation and uphold and grow an open world economy,” sabi ni Xi sa pagbubukas ng summit na dinaluhan ng mga lider ng 29 na bansa.

Idiniin ni Xi na hindi siya gagamit ng makalumang geopolitical maneuvering para isulong ang inisyatiba.

“What we hope to create is a big family of harmonious co-existence. What we hope to achieve is a new model of win-win cooperation,” aniya. (Genalyn D. Kabiling at Beth Camia)