Ni CHARISSA LUCI-ATIENZA

Hindi maipapasa ng Mababang Kapulungan ang panukalang batas na nagpapaliban sa barangay election ngayong Oktubre bago ang sine die adjournment ng Kongreso sa Hunyo 2, ayon sa isang lider ng Kamara.

Sinabi ni Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) party-list Rep. Sherwin Tugna, chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, na dapat busisiing mabuti ang mga kontrobersiyal na isyu sa pagpapaliban sa halalang pambarangay at pagtatalaga ng mga opisyal.

“As chairman of the committee on suffrage and electoral reforms, I believe that the Lower House will not be able to finish deliberating the pending bills until adjournment. Reason is that the issue of postponement and appointment of barangay officials should be thoroughly deliberated,” aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hindi kasama ang panukala sa listahan ng mga prayoridad na batas na tinukoy sa pagpupulong ng mga lider ng Kongreso noong Mayo 2.

Tiniyak ni Tugna, abogado at miyembreo ng Philippine Constitution Association (Philconsa), na sisiguraduhin ng kanyang panel na makatuwiran at naayon sa batas ang mga nakabiting panukala kaugnay dito – ang House Bill 5359, 5361 at 5380 ay.

Ang mga panukalang batas ay inakda nina Reps. Robert Ace S. Barbers (Surigao del Norte), Lord Allan Q. Velasco (Marinduque), at Jose T. Panganiban Jr. (Party-list, ANAC-IP).

Nanindigan si Barbers, pinuno ng House Committee on Dangerous Drugs, na dapat palitan ang mga nakaupong opisyal ng barangay ng mga itatalagang officer-in-charge (OIC) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“I personally think that the smartest move would be to delay the elections once again and to appoint incorruptible officers-in-charge who will help us traverse the road to recovery – the road to a drug-free Philippines,” aniya.