ROME (AP) — Pinatalsik ni Fabio Fognini ang kababayang si Matteo Berrettini, 6-1, 6-3, nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa first round ng Italian Open.

Nangailangan lamang si Fognini ng 70 minuto para igupo ang karibal, naglaro sa kanyang debut sa ATP bilang wild card. Sunod niyang makakaharap si top-ranked at defending champion Andy Murray ng Britain.

Umusad din si John Isner, nagwagi kontra 14th-seeded Albert Ramos-Vinolas 6-7 (4), 7-6 (4), 6-1.

Sunod na makakaharap ni Isner ang magwawagi sa pagitan nina 23rd-ranked American na si Florian Mayer at qualifier Thiago Monteiro.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagwagi si Spanish veteran Fernando Verdasco kay Donald Young ng United States 6-3, 6-3, habang nanaig si Jiri Vezely ng Czech Republic kontra Daniel Evans ng Britain 6-3, 6-1.