Matapos magdomina sa mga nilahukang recreational leagues, nagdesisyon ang koponan ng Zark’s Burger na sumali sa PBA D-League.

“(We’ve) thinking about this for a long time. We’ve been joining leagues for years but now is the right time to take our team to the next level just like raising the level of our brand,” pahayag ng Jawbreakers team owner Commie Zark Espina-Varona sa isang simpleng press conference sa Zark’s Burger sa Taft Avenue, Maynila nitong Biyernes.

Nakatakdang maging mentor ng koponan si coach Marvin Jade Padrigao sa pagsalang nila sa darating na 2017 PBA D-League Foundation Cup.

Hangad ni Padrigao na magkaroon ng isang competitive squad na puwedeng makagpakita ng sorpresa sa second conference.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We know we’re underdogs, but we’re giving an opportunity to the players from the grassroots level. We will be competitive this season,” ani Padrigao.

Magsisilbing skipper ng koponan ang ex-pro na si Robby Celiz sa pagsalang nila sa 11-team field na ligang magbubukas muli sa Mayo 25.

Makakasama ni Celiz sina James Mangahas, Jamil Sheriff, Clark Bautista, RR de Leon , Steven Cudal, Mark Juruena, RJ Argamino, Joseph Nalos, Chris Cayabyab, Job Cariaga, at Jerome Ferrer.

“Our vision is the same with our restaurants. We want to be competitive in our start and contend in the future. And hopefully, if our brand continues to grow, make it to the PBA,” ayon pa kay Espina-Varona. (Marivic Awitan)