VICTORIA, Tarlac – Kasabay ng pagtindi ng init ng panahon ay ang serye rin ng aksidente sa lansangan, gaya ng nangyari sa Victoria-Tarlac Road sa Barangay Maluid, Victoria, Tarlac, kung saan limang katao ang nasugatan sa pagbaligtad ng isang tricycle nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni PO3 Sonny Villacentino ang mga nasugatang sina Marcelo Papa, 52, driver ng tricycle (CO-34516); Rodolfo De Guzman, 58; Rizalita De Guzman, 46; Rafael De Guzman, 6; at Isidro Magaway, 59, pawang ng Bgy. Nagpandayan, Guimba, Nueva Ecija.

Binabagtas ng tricycle ang Victoria-Tarlac Road nang bigla itong nawala sa kontrol hanggang bumaligtad at mahulog sa malalim na kanal. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog