shakira-el-dorado-rumor copy

INIHAYAG ni Shakira na maglalabas siya ng bagong album sa huling bahagi ng buwang ito.

Sinabi ni Shakira, isa sa top-selling Latin artists of all time, sa kanyang 45 milyong Twitter followers nitong Huwebes na ilalabas ang kanyang 11th studio album na El Dorado sa Mayo 26.

Ang titulo ng album ay tumutukoy sa kathang-isip na lungsod ng kayamanan na hinahanap ng Spanish explorers sa Colombia, ang kanyang bansa. Gayunman, ang cover art ng El Dorado ay nagtatampok sa seryosong mukha ni Shakira na lumusot mula sa off-white na background.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Para ipasilip ang album, inilabas ni Shakira noong nakaraang taon ang single na Chantaje, na nangangahulugang Blackmail, isang playful duet tungkol sa tukso at pagnanasa kasama ang Colombian reggaeton singer na si Maluma.

Sa video ay sumasayaw ang pink-haired na si Shakira kasama si Maluma sa secret club na nakatago sa isang Indian grocery store. Naging fastest Spanish-language piece ito na lumikom ng 100 milyon views sa hosting site na Vevo.

Sinundan ito ni Shakira noong nakaraang buwan ng ikalawang awitin na Me Enamore (I Fell In Love), na may touches ng reggaeton rhythms. Ang awitin ay tungkol sa kanyang relasyon sa asawang Spanish footballer na si Gerard Pique.

Ang danceable, sultry feel ay hudyat ng pagbabalik sa classic na Shakira. Ang kanyang huling album noong 2014, karamihan ay nasa wikang English at pinamagatang Shakira, ay nagtatampok confessional-style sa acoustic guitar sa tunog na mas katugma ng US singer-songwriters.

Ang huling album ni Shakira ay pagninilay sa panahon ng kanyang pagiging ina. Mayroon silang dalawang anak ni Pique.

Sa paghahalo ng Latin at Arabic rhythms at rock influences, si Shakira ay isa sa biggest crossover acts mula sa Latin America, na nagkaroon ng major global hits sa mga awiting gaya ng Hips Don’t Lie at Whenever, Wherever.