Liam copy

NADULAS ang bibig ni Billy Ray Cyrus at naibunyag na ang kanyang future son-in-law na si Liam Hemsworth ay talented artist.

Engaged ang anak niyang si Miley Cyrus sa Australian actor. Nagkita ang magkasintahan sa set ng pelikulang The Last Song noong 2009.

Nang magkalabuan at maghiwalay sina Miley at Liam noong 2013 at nagkabalikan kalaunan, pawang papuri kay Liam ang narinig mula sa country musician at sinabing big fan siya ng artwork nito.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Liam is a great guy. I like his heart. He’s got a great spirit about him. I’ll tell you something you don’t know about him though: he’s a great artist,” aniya sa panayam ng Entertainment Tonight. “(I had never seen his art), then all of a sudden, I go into this room and there’s, like, 1,500 paintings up of, like, these things, and I’m like, ‘Who did this stuff?’”

Walang binabanggit sa publiko ang bituin ng The Hunger Games tungkol sa kanyang interes sa pagpipinta. Gayunman, pinuri ni Miley ang mga kuha nitong litrato para sa cover art ng kanyang latest single na Malibu, sa Instagram post kamakailan.

Inamin ni Billy Ray na sa ngayon ay malabong itanghal ni Liam ang mga obra nito dahil nananatiling “humble” sa kanyang talent ang 27-anyos. Gayunman, hinihikayat niya ito na maging confident sa pagbabahagi ng secret hobby nito.

“He’s got painting after painting, (it’s) just incredible stuff,” aniya. “He’s a painter. Who knew?”

Sa paggunita ni Billy Ray sa 25th anniversary ng kanyang signature song na Achy Breaky Heart, inamin niya na mas maayos na ngayon ang kanyang buhay. Hindi lamang sinusuportahan ng 55-anyos ang music career ng mga anak niyang babae na sina Miley at Noah, siya rin ang namamahala sa bagong interior design TV show na Cyrus vs. Cyrus, ng asawang si Tish at anak na si Brandi.

“They did six episodes, it’s on Bravo, and there is a spectacular finale that includes the entire family,” he teased, adding that he makes guest appearances in a couple of episodes. “If I say anymore (Tish) will kill me!” (Cover Media)