MATTEO AT SARAH_pls crop copy copy

MAY mga humuhulang malapit nang magpakasal sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

May mga bagay lang daw na inaayos ang dalawa at pagkatapos ay tiyak na susunod na sila sa mga taga-showbiz na nagpapakasal.

Pero ayon kay Matteo, wala pa silang plano ni Sarah tungkol sa bagay na ito.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Hindi pa po namin talaga alam. Hindi pa talaga,” sabi ni Matteo.

Pahapyaw lang daw kung pag-usapan nila ang paglagay sa tahimik, hindi seryosohan.

Hindi kaya masorpresa na lang ang kanilang fans at ang showbiz sa kahihinatnan ng relasyon nila?

“Well, tingnan na lang natin. Kung sasabihin ko, eh, hindi na surprise ‘yun. Basta it is not in the near future.

Abangan na lang nila. Tingnan na lang natin,” sey ng Sunlife endorser.

May mga bagay din naman daw na madaling magbago. Kaya kahit sabihin pa raw niyang hindi ‘yun mangyayari in the near future, maaari pa rin itong magbago.

Samantala, may fans ang dalawa na nagsasabing panahon para muling pagsamahin sila ni Sarah sa pelikula. Nagkasama na kasi sila noong 2011 sa pelikulang Catch Me I’m In Love with Gerald Anderson.

Pero hindi sang-ayon si Matteo sa ideyang ito.

“No, I don’t think so. Because we chose not to work together. Wala lang. We just decided to keep everything separate,” paliwanag niya. (Jimi Escala)