Kelly copy copy

GINULAT ni Kelly Clarkson ang kanyang mga tagahanga nang pumirma siya bilang coach sa The Voice ilang araw matapos maging frontrunner para makasama sa pagbabalik ng American Idol.

Ang singer, na nanalo sa unang season ng Idol at naging pinakamatagumpay na dating contestant ng show, ay kinokonsidera upang maging isa sa mga hukom sa pagbabalik ng pinanggalingang show sa telebisyon sa huling bahagi ng taon, ngunit ngayon ay lumagda siya para maging talent ng karibal na programa.

Makakasama ni Kelly ang longtime coaches na sina Adam Levine at Blake Shelton para sa season 14 ng The Voice sa pagbubukas nito sa U.S. sa susunod na taon. Hindi pa inihahayag ang ikaapat na miyembro.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Lumabas ang balita isang araw matapos kumpirmahin ni Jennifer Hudson na magiging coach siya ng season 13 ng show sa huling bahagi ng taong ito, kasama sina Adam, Blake at Miley Cyrus.

Papalitan nina Jennifer at Miley sina Alicia Keys at Gwen Stefani, na bababa bilang coach pagkatapos ng kasalukuyang 12th season ng sikat na palabas. (Cover Media)