GLADYS CHRISTOPHER AT MGA ANAK copy

VIA caesarian section ipinanganak ni Gladys Reyes ang pang-apat na supling nila ng asawang si Christopher Roxas.

Miyerkules, Mayo 10, nang isilang sa Asian Hospital si Gavin Cale.

Ayon kay Gladys, siya ang namili ng petsa ng kanyang panganganak kay Baby Gavin Cale at Mayo diyes ang birthday ng kanilang bunso na kaarawan din ng founder ng Iglesia ni Cristo na si Felix Manalo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tumitimbang ng 6.9 lbs. nang lumabas si Baby Gavin Cale na suhi ang posisyon nang isilang. Huli na raw nang malaman niya ito.

Sey pa ng Kapuso actress, ang pagbubuntis niya kay Baby Gavin Cale ang pinakamahirap pero napagaan naman dahil na rin sa buhos ng suporta ng kanyang hubby at ng kanilang buong pamilya.

Napagkasunduan na raw nila ni Christopher Roxas na si Gavin Cale na ang pinahuli nilang baby. Okey na raw sa kanila ang apat na anak, pero humirit pa raw sana si Christopher ng isa pang girl dahil nag-iisa nga lang si Aquisha.

Magpahinga lang naman daw ng ilang buwan si Gladys at babalik na agad sa kanyang showbiz commitments kasama na rin ang obligasyon niya bilang member ng MTRCB.

Samantala, no comment daw muna si Gladys sa pagka-appoint ng dating kasamahan nila sa MTRCB na si Mocha as assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office. (JIMI ESCALA)