Iginiiit ni Senador Alan Peter Cayetano na magkaroon ng hiwalay na ahensiya na tututok sa sektor ng pangingisda, at proprotekta sa mga yamang dagat ng bansa.

“While we have very good people in the Department of Agriculture, the department’s focus is more on land-based farming. It is time that the government provides for a focused, single-minded, specialized department responsive to the needs and concerns of the fisheries industry,” ani Cayetano.

Sa talaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), aabot sa isang milyon ang nabibigyang trabaho ng industriya ng pangingisda, at kinilala rin ang Pilipinas bilang ikawalong fish producing country na may 4.7 milyong metriko tonelada ng yamang dagat. (Leonel M. Abasola)

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist