INILUNSAD ng Color Manila ang CM Blacklight Run Tour kamakailan sa F1 Hotel sa Bonifacio Global City, Taguig.

Sa naturang programa, ipinahayag ang pagsasagawa ng 3-city tour para sa CM Blacklight Run sa Manila, Bacolod at Davao City na nakatakda sa Mayo27, Hunyo 3 at Agosto 12, ayon sa pagkakasunod.

“We created the CM Blacklight Run Tour so that our followers can have the option of signing up for all three events, and give them the opportunity to experience the most colorful night run in the country today. Thus, more than just enjoying the run with your friends, you’re also able to see more of the Philippines,” pahayag ni Justine Cordero, VP ng COLOR MANILA.

Ang CM Blacklight Run sa Manila ay lalarga sa Filinvest City, Alabang, kung saan inaasahang sasabak ang 12,000 runner. Sa nakalipas na Color Manila event, umabot din sa naturang bilang ang mga kalahok.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakataya ang mga event na 3K, 5K, 10K at 6K Challenger category at may pagpipilian ang mga kalahok sa uri ng kit na gagamitin -- Deluxe kit, Rockstar kit, at 6K Blacklight Challenger kit.

Ang Deluxe kit ay may halagang P950, kabilang na ang drifit shirt, headlamp, race bib, color packet at finisher’s medal, habang ang Rockstar kit ay P1,500, at ang 6K Blacklight Challenger kit ay P2,000.

Ang pamamahagi ng Race kit ay sa Mayo 23 – 27, 2017 sa 2nd Level, Node Expansion, Festival Mall, Alabang, simula 10 ng umaga hanggang 7 ng gabi.

Lalarga naman ang CM Blacklight Bacolod leg sa The District North Point, Bacolod Citym, habang ang CM Blacklight Davao leg ay bibitiwan sa SM Lanang Premier, Davao City.

Bukas pa ang pagpapatala sa www.colormanila.com.