Drew & Iya_MUST PLEASE copy

MULING magbabalik ang morning cooking show na Home Foodie ng San Miguel Corporation sa GMA Network simula sa Lunes, Mayo 15, pagkatapos ng Unang Hirit.

Sa season 3 ng show, muling makakasama ng hosts na sina Drew Arellano at Iya Villania ang San Miguel Purefoods celebrity chefs na sina Llena Tan-Arenas, RJ Garcia at Rene Ruiz na magsi-share sa viewers ng “madalicious meals” o mga pagkain na madaling lutuin.

Nag-level up na ang show mula sa season one dahil may Home Foodie Madalicious Meals Mobile App na puwedeng i-download kahit sa smartphones at mapapanood ito sa 6-second cooking demos.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Kaya naman si Iya, kayang-kaya nang maghanda ng recipes, at si Drew, ng kanyang mga trendy, pero madali pa ring lutuing dishes. Ito ay sa kabila ng pag-aalaga pa rin nilang mag-asawa sa kanilang unico hijo na si Primo.

Paano nila nahahati ang oras nila para kay Primo lalo na’t pareho silang nagtatrabaho?

“Mas lamang ako kay Drew sa pag-aalaga kay Primo,” kuwento ni Iya. “Ako kasi nakatuon ang oras ko sa kanya, bago ako mag-report sa ‘Chika Minute’ ng 24 Oras. Si Drew kasi ang mas maraming trabaho kaysa akin, pero sinisikap niyang makarating ng bahay bago mag-6:00 PM, bago ako umalis para sa work ko naman, iyon ay nakapag-prepare na rin ako ng baon ko for my work.”

“Sinusubukan ko namang dumating sa bahay ng 5:00 PM or kahit bago ang 6:00 PM para ako naman ang mag-alaga kay Primo,” kuwento naman ni Drew. “Pero ‘pag pareho kaming walang work, like kung weekend, kasama namin si Primo sa paggu-grocery, at kapag nagluluto kami ni Iya, nasa stroller si Primo, palakad-lakad doon sa kitchen namin o sa dining room, na siya naming paboritong lugar sa bahay. No problem naman dahil madali nga lang ang mga recipes na iniluluto namin. Kahit sa taping namin ng show, hindi naman matagal ito dahil three minutes lang mapapanood ng viewers sa TV after Unang Hirit, Monday to Friday.”

Kaya para sa mga interesadong makakuha ng copy ng Home Foodie featured recipes, mag-log lamang sa www.homefoodie.com.ph. Sa Twitter naman @homefoodiePH. Sa Facebook: Home Foodie at sa Instagram: homefoodiePh.

(NORA CALDERON)