JENNYLYN AT GIL copy copy

NAKAKATAWA ang teaser ng My Love From The Star, ang Philippine adaptation ng hit Korean series na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva. Marami ang nagagandahan at natutuwa sa trailer na ipinost ni Jennylyn sa Instagram dahil ilang oras pa lang naka-post, may 77, 415 views and likes na ito.

Nag-trending din sa Twitter ang teaser at puro positive ang feedback ng netizens. Dahil sa teaser, mas excited na silang mapanood ang My Love From The Star na magpa-pilot sa May 29. Mula ito sa direction ni Bb. Joyce Bernal.

Sa mga nagsasabing baka walang chemistry ang dalawa, panoorin nyo muna ang teaser at subaybayan na rin ang show hanggang sa ending. Garantisadong matatawa at kikiligin kayo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pinuri ni Gil si Jennylyn dahil walang star complex, mabait sa mga katrabaho at napansin niyang laging may “po” at “opo” ‘pag nakikipag-usap sa mas older sa kanya, lalo na sa crew. Of course, napansin din ni Gil na mahusay umarte ang aktres.

On her part, sabi ni Jennylyn, isa sa nagustuhan niya kay Gil ay ang will to learn, mabait daw ito, tahimik at seryoso. Sandali lang silang nagkailangan dahil nahihiya pa noong una si Gil, pero ngayon, tropa na sila.

(Nitz Miralles)