SANTIAGO, Ilocos Sur – Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Ilocos Sur ang isang lalaki na sinasabing supplier ng droga sa Santiago, Ilocos Sur.

Sa ulat na tinanggap kahapon ng Balita mula kay Senior Supt. Jovencio Badua, Jr., director ng Ilocos Sur Police Provincial Office, natunton ang suspek na si Jimmy Eliza sa kanyang tinutuluyan sa Santiago.

Iniulat naman kahapon ni Senior Insp. Aristeo Tajon, hepe ng Santiago Police, na inabot ng tatlong buwan ang kanilang surveillance bago naaresto ang suspek.

Nakumpiska umano kay Eliza ang 13 sachet ng hinihinalang shabu, 13 transparent plastic na ginagamit sa pagre-repack ng shabu, drug paraphernalia at isang Samsung cell phone. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito