PCU DOLPHIN TEAM copy

NAGPASIKLAB ang dating NCAA champion Philippine Christian University upang pabagsakin ang dating walang bahid na FEU-NRMF-Gerry's Grill, 98-97, nitong Linggo sa 2017 MBL Open basketball championship sa EAC Sports Center.

Pakitang gilas ang "Dynamic Duo" na sina Michael Ayonayon at Jon Von Tambeling at umiskor ng kabuuang 61 puntos para selyuhan ang ikalawang dikit na panalo at makasalo ang Colegio de San Lorenzo-V Hotel sa maagang liderato

Nilasap naman ng FEU-NRMF ang una nitong kabiguan at sumadsad sa 3-1 kartada.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Si Ayonayon ay umiskor ng 31 puntos, kabilang ang 21 sa second half sa tulong ng kanyang mala-pusang drive sa basket.

Si Tambeling, na nahirang na MVP sa runner-up finish ng PCU sa MBL nung nakalipas na taon, ay nag-ambag 30 puntos kabilang ang ilang ankle-breaking na galaw na ikinasiya ng malaking weekend crowd.

"We surprised them (Tamaraws) with our running game. They have the experience, so we turned to our youth," pahayag ni PCU coach Elvis Tolentino, na nakakuha ng tulong mula sa amang si Ato Tolentino.

Pinasalamatan ng mag-amang Tolentino sina PCU president Dr. Junifen Gauuan at Institute of Physical Education, Arts and Culture (ISPEAC) director Putli Martha Beata Ijiran sa kanilang suporta.

Ang Fil-Canadian sensation na si Clay Crellin ang nanguna para sa FEU sa kanyang 23 puntos, kabilang ang tatlong three-pointers na bumuhay sa pag-asa ng Tamaraws.

Nakatuwang niya sina Glen Gravengard (18 puntos); Erwin Sta. Maria (16) at Raniel Jake Diwa (16) para sa Tamaraws ni coach Pido Jarencio at manager Nino Reyes.

Ang ex-PBA star na si Jerwin Gaco ay nalimitahan sa dalawang puntos at 0-of-4 sa free throw line.

Una dito, nalusutan ng CdSL-V Hotel ang MLQU-Victoria Sports, 89-79, at winalis ng Diliman College-JPA Freight Logistics ang Emilio Aguinaldo College, 72-56.

Iskor:

PCU (98) -- Ayonayon 31, Tambeling 30, Pallatao 10, Mescallado 8, Apreku 7, Vasquez 5, Sazon 3, Sumalacay 2, Malto 2, Bautista 0.

FEU-Gerry's Grill (97) -- Crellin 23, Gravengard 18, Sta. Maria 16, Diwa 16, Zamora 6, Gumabay 6, Santos 4, Harry 2, Gaco 2, Tabi 2, Gonzales 2, Tan 9.

Quarterscores:

23-21, 43-42, 69-61, 98-97.