Magpapatupad ng big-time oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes ng madaling araw.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ngayong Mayo 9 ay magtatapyas ito ng P1.05 sa kada litro ng diesel, at 90 sentimos sa gasolina at kerosene nito.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na oil price rollback.

Ang bagong bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng sobrang supply ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Noong nakaraang linggo lamang huling nag-rollback ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V at Shell, ng P1 sa kada litro ng kerosene, 85 sentimos sa gasolina, at 70 sentimos sa diesel. (Bella Gamotea)