Apat na miyembro ng Abu Sayyaf ang nasawi sa magkahiwalay na engkuwentro sa Sumisip, Basilan nitong Sabado, kinumpirma kahapon ng militar.

Ayon kay Army Captain Jo-ann Petinglay, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom), dalawang hindi pa nakikilalang terorista ang napatay sa unang engkuwentro habang sa ikalawang bakbakan bumulagta ang dalawa pa.

Sinabi ni Petinglay na ang unang engkuwentro ay nangyari sa Barangay Bembengan sa Sumisip, bandang 2:00 ng hapon, habang ang ikalawa ay malapit naman sa Bgy. Cabcaban, Sumisip, dakong 9:00 ng gabi.

Aniya, ang mga tropa mula sa 4th Special Forces Battalion at 18th Infantry Battalion sa ilalim ng Joint Task Force Basilan, ang sumabak sa engkuwentro laban sa 15 hanggang 20 terorista.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Following the first encounter at 2 p.m., soldiers from the 4th SFB and 18th IB conduncted pursuit operations resulting to another encounter at 9 p.m.,” ani Petinglay.

Bukod dito, sinabi rin ni Petinglay na nakubkob din ng militar ang kampo ng mga bandido malapit sa Bgy. Cabcaban.

Inaalam pa nila, ayon kay Petinglay, ang pagkakakilanlan ng leader ng grupong nakaengkuwentro ng militar.

(Francis T. Wakefield)