CABANATUAN CITY - Isandaang pulis ang sinibak sa puwesto habang sampu namang opisyal ng barangay ang iniulat na naaresto sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa droga sa Nueva Ecija.

Ayon kay Senior Supt. Antonio C. Yarra, Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) director, ang 100 na-relieve na pulis ay pawang AWOL (absent without official leave) at na-reassign sa ibang lugar.

Sa media briefing sa provincial headquarters ng NEPPO, sinabi ni Yarra na ang mga sinibak na pulis ay kabilang sa mga ipinag-utos na ma-deploy sa Mindanao subalit hindi nagsipag-report sa duty.

“Sa aming monitoring, mahirap ma-trace ang whereabouts ng mga ito (AWOL na mga pulis), dahil ‘di nga sila nag-report para mag-duty,” ani Yarra.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sinabi naman ni Yarra na bagamat sinasabing malaking bahagi ng mga pulis ang sangkot sa droga, wala namang nagpositibo sa drug test sa mga tauhan ng NEPPO.

Dagdag pa niya, sampung opisyal ng barangay din, kabilang ang mga chairman at kagawad, ang inaresto sa pagkakasangkot sa droga, at ang iba ay una nang sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya. (LIGHT A. NOLASCO)