Idinepensa ni Senador Alan Peter Cayetano ang kampanya laban sa ilegal na droga ng administrasyong Duterte sa United Nations (UN) sa Geneva, Switzerland.

Ipinagdiinan ng Senador na ang pangunahing layunin ng gobyerno ay mapanatili ang dignidad ng bawat Pilipino.

Kasalukuyang nasa Geneva si Cayetano bilang co-head ng Philippine delegation sa Third Cycle of the Universal Periodic Review (UPR) ng UN Human Rights Council (HRC).

Sa isang presentasyon sa UNHRC, ipinagdiinan ng Senador na ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa krimen, ilegal na droga at kurapsiyon ay tinitingnang “wrongfully in the international community.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“If only there was a less political, more unbiased, and fair way of describing what is happening in the Philippines, we will be having a more constructive discussion rather than groups throwing alternative facts and fake news,” ayon kay Cayetano.

Pinabulaanan din niya ang sinasabi ng mga kritiko na may nagaganap ng extrajudicial killings (EJKs) sa bansa nang magsimula ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Aniya, sa nagdaang administrasyon, mayroong “low of 11,000 and a high of 16,000” kaso ng extrajudicial killings (EJKs).

Ipinagdiinan din niya na ang depinisyon ng EJK na kanyang ginamit ay base sa Administrative Order No. 35 sa ilalim ng Aquino administration, na nagsasabing ang extrajudicial killing ay “killings wherein the victim was a member of, or affiliated with an organization, to include political, environmental, agrarian, labor, or similar causes; or an advocate of above-named causes; or a media practitioner or person(s) apparently mistaken or identified to be so.”

“Suddenly, during the Duterte administration, all killings are extrajudicial killings,” sambit ni Cayetano.

(Elena L. Aben)